5

Nov 5, 2020 @ 14:19
By

Duterte busy sa buong linggo

Ayon sa Palasyo, puno ang schedule ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya magiging abala ito hanggang sa weekend.

Ito ang sagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa tanong kung anu-ano ang mga aktibidad ng Presidente sa linggong ito.

Ayon kay Roque, halos kada oras ay mayroong pulong si Pangulong Duterte sa Malacañang na ginagawa sa Malago Clubhouse.

“Halos every hour po ang kanyang meeting sa Malacañang. Nakita ko po ang kanyang kalendaryo, punong-puno po ng meetings si Pangulo sa Malago Clubhouse, sa Malacañang,” ani Roque.

Gayunman, hindi binanggit ng kalihim kung sino-sino ang mga kapulong ng Pangulo .

Matatandaang nag-trend sa social media ang #NasaanAngPangulo noong Linggo matapos hindi ito nakita ng publiko habang binabayo ng Super Typhoon Rolly, ang pinakamalakas na bagyo sa mundo ngayong taon, ang Bicol at iba pang bahagi ng bansa. (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?