36

Oct 6, 2017 @ 11:44

Duterte bumuo na ng anti-corruption commission

Bilang  na  ang  araw  ng  mga corrupt sa  pamahalaan matapos illabas ng Malacanang ang  Executive  Order #43  na  lilikha  sa  Presidential Anti-Corruption Commission o PACC.

Ang  komisyon ay  pamumunuan ng  Chairman at  apat  na  commissioners  miyembro  ng  Philippine bar at  may limang  taon ng karanasan bilang abugado.

Sa  ilalim ng  EO 43, ang  Presidential  Anti-Corruption  Commission  ay  may  kapangyarihang  mag-lifestyle check at  mag-imbestiga sa  mga  presidential appointees , mga  opisyal at  mga  nagtatrabaho sa gobyerno  at  mga  itinalaga sa  Armed  Forces of the Philippines (AFP) at  Philippine National Police (PNP)  kung  kinakailangan.

May  kapangyarihan din ang  komisyon  na  mag-imbestiga kahit  walang  complainant, o motu proprio laban sa  mga  opisyal  at  mga  kawani ng  gobyerno na  pinaniniwalang  sangkot sa  katiwalian.

Ano mang  resulta  ng  imbestigasyon ay  isusumite  sa Pangulo  para  sa approval at  pinal  na  disposisyon nito.

Magiging  epektibo ang  EO #43  labinlimang  araw  matapos  itong  mailathala sa mga  pangunahing  pahayagan.

Nauna  rito inihayag  ni Pangulong  Rodrigo Duterte  na  magtatatag siya  ng  isang  Presidential Commission na  mag-iimbestiga sa  mga  opisyal  ng  Ombudsman na  sangkot sa  katiwalian.

Nag-ugat  ito sa  inilabas  na  dokumento ni Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang sa umanoy mga  tagong  yaman ng Pangulo sa  bangko matapos   magsampa  ng reklamo si senador  Antonio Trillanes IV sa Ombudsman kaugnay sa malaking deposito umano ng Presidente  sa  bangko .(Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?