16

Sep 20, 2020 @ 18:50
By

Duterte bumiyahe pa-Davao

Lumipad patungong Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte nitong weekend.

Kinumpirma ito ni presidential spokesperson Harry Roque nitong Linggo.

Dagdag pa ng tagapagsalita ng Pangulo, nakatakdang makipag-meeting si Duterte sa Davao kasama ang kanyang gabinete.

Ibig sabihin ay doon na rin gaganapin ang mensahe sa bayan ng Pangulo.

Madalas umuwi sa Davao City ang Pangulo matapos luwagan ang quarantine protocol noong Mayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?