14

Sep 22, 2020 @ 9:01
By

Duterte bumilib kay Cimatu sa Manila Bay white sand

Bumilib si Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu matapos tanggapin ang hamon para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Kaugnay na rin ito ng malaking pagbabago sa hitsura ng Manila Bay matapos linisin ang dagat ng basura at nilagyan ng artipisyal na puting buhangin mula sa dolomite sa Cebu na ngayon ay dinayo ng maraming tao.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes na walang kagatol-gatol na tinanggap kaagad ni Cimatu ang kanyang hamon para ayusin ang Manila bay na ngayon ay mayroon ng positibong resulta kahit hindi pa tapos ang proyekto.

“Napabilib niya ako when he accepted my dare. It was a very positive statement. Sinabi niya ‘kayahin ko’, and people are now enjoying the benefits of the determined action of a Cabinet member to do good,” anang Pangulo.

Pinaabot ng Presidente ang pagbati kay Cimatu sa panimula ng kanyang talumpati dahil sa bagong anyo ng Manila Bay matapos itong lagyan ng dolomite sand at agad na umagaw ng pansin sa publiko.

“Let us begin by congratulating Secretary Cimatu.People are now really enjoying the reclaimed area with white sand,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?