129
Duterte: Bong Go magtatagal ng 12 taon bilang senador
May 26, 2019 @ 13:39
By

Duterte: Bong Go magtatagal ng 12 taon bilang senador

Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na ang kaniyang former aide at ngayo’y Senator-elect na si Christopher “Bong” Go ay makapagsisilbi bilang senador sa loob ng 12 taon kung tutuparin nito ang kaniyang sinumpaan bilang public servant.

“Bong, you will be good for another six years or a total of 12 years as long as you work well,” ani Duterte sa naganap na thanksgiving dinner sa Arcadia Activity Center sa Matina, Davao City.

“This moment belongs to Bong. Bong has been with me for the past 20 years,” dagdag pa ni Duterte.

Saad pa ng Pangulo, kilalang-kilala umano siya ni Go kaya alam na nito ang dapat na gawin kahit na wala sa paligid ang Pangulo.

“Sabi nila when you talk and when you answer questions, you are very much like me already. Kuhang kuha mo talaga ako,” ani Duterte.

Nagbigay paalala si Duterte kay Go na wag tatanggap ng mga big business sa kaniyang opisina sa Senado.

“Do not ever let them enter your office in the Senate. Refuse meeting people or big businesses with vested interest. Do not be lured in meeting them outside over dinner in fancy restaurants,” saad ni Duterte kay Go.

Ipinaalala rin ni Duterte sa newly elected senator na sumunod sa kaniyang adbokasiya na dapat ay walang korapsyon at magpatuloy ang digmaan laban sa ilegal na droga.

“Sinabi ko walang corruption. The rule when I was trying to build a comfortable life for Filipinos and that the fight against illegal drugs should be relentless,” saad ni Duterte.

Suportado naman umano ni Go ang adbokasiya ng Pangulo.

“I would also support the President’s advocacy for a corruption-free governance and push for the campaign against illegal drugs,” aniya.

Nagpasalamat din si Go sa kaniyang mga taga-suporta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?