60

Nov 8, 2017 @ 16:50
By

Duterte, biyaheng Vietnam na para sa APEC

Biyaheng Vietnam si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Kasama ng Pangulo sa kanyang biyahe ang ilang miyembro ng gabinete sa pangunguna ng kanyang Presidential Spokesman na si Harry Roque at si Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano, at ang kanyang mga economic manager.

Inaasahang magkikita ang Pangulo at si United States President Donald Trump sa Vietnam subalit hindi pa masabi kung magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider.

Inaasahang isusulong ni Pangulong Duterte sa APEC leaders’ summit ang partisipasyon ng micro, small and medium enterprises sa global economy, connectivity at human resources development.

Habang wala sa bansa ang Pangulo, itinalaga nito si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang officer-in-charge.

Sa ipinalabas ng Pangulo na Special Order 993, inatasan nito si Medialdea na mangasiwa sa araw-araw na operasyon ng Office of the President at Executive Department. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?