40
rodrigo-duterte
By

Duterte, biyaheng Singapore sa susunod na linggo

Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa Singapore sa susunod na linggo para dumalo sa 32nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit simula Abril 25-27.

Ito’y bilang tugon sa imbitasyon ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong para dumalo sa mga aktibidad sa gagawing summit.

Makakasama ni Pangulong Duterte ang ibang mga lider sa Asya na miyembro ng ASEAN para ipagpatuloy ang nasimulang community building at maisulong ang kapayapaan, seguridad at katatagan sa rehiyon.

Ayon kay Assistant Secretary Ma. Helen dela Vega ng Office of ASEAN Affairs, magiging sentro ng summit ang paggamit ng innovation at teknolohiya para mapahusay ang buhay ng mamamayan sa ASEAN region.

Sa panig ng Pilipinas, sinabi ni Dela Vega na inaasahang tatalakayin ni Pangulong Duterte ang mga isyung malapit sa kanyang puso, lalo na ang nakakaapekto sa kaayusan ng mamamayan sa rehiyon.

Inaasahang tatalakayin din sa summit ng ASEAN leaders ang mga isyung may kinalaman sa terorismo, violent extremism, trafficking in persons, illicit drug at disaster management.

“On the part of the Philippines, the President would address issues that are close to his heart, especially matters that affect the well-being of the peoples of our region,” ani Dela Vega.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?