9

By

Duterte biyaheng Singapore para sa ASEAN summit

Sharing is caring!

Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa Singapore sa susunod na linggo para dumalo sa 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit and related summits simula Nobyembre 13-15.

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Junever Mahilum-West sa ginanap na pre-departure briefing sa Malacañang, ang biyahe ng Pangulo ay bilang tugon sa imbitasyon ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong.

Sinabi ng opisyal na magiging mahigpit ang schedule ni Pangulong Duterte sa ASEAN summit dahil sunod-sunod ang mga dadaluhang pulong.

Pagkakataon na rin aniya ito para sa mga lider ng ASEAN para matukoy ang progreso ng isinusulong na ASEAN community blueprints at mga dating tinatalakay na isyung may kinalaman sa economic cooperation, infrastructure development, counter-terrorism and violent extremism, drugs human trafficking.

Sinabi ni West na may mga ASEAN leader na nais makipag-usap kay Pangulong Duterte at ito ay inaayos na ng DFA para sa tamang schedule.

Sa nakatakdang summit ay hindi makakadalo si United States President Donald Trump, bagkus ay kakatawanin ng kanyang Vice President na si Mike Pence.

Si Russian President Vladimir Putin ay nagkumpirma na ng kanyang pagdalo sa nabanggit na summit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?