96

Oct 29, 2017 @ 17:13

Duterte biyaheng Japan ngayong araw

Biyaheng Japan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa dalawang araw na working visit simula ngayong Lunes at Martes.

Tampok sa working visit ng Pangulo ang pakikipagkita at pakikipagkita kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe para pag-usapan ang mga mahalagang isyung may kinalaman sa panseguridad ng rehiyong Asya.

Ang Pangulo ang kauna-umahang lider sa Asya na maging bisita ni Abe matapos itong muling maluklok sa puwesto sa katatapos na eleksiyon.

Ayon kay Takehiro Kano, Minister and Deputy Chief of Mission ng Japanese embassy sa Manila, posibleng mapag-usapan ng Pangulo at ni Prime Minister Abe ang Marawi City at kung paano makatulong Japan sa pagbangon ng mga naapektuhang mamamayan.

“Japan is considering the way forward, how to support the rehabilitation and recounstruction of Marawi ,” ang pahayag ni Kano.

Linggo ng gabi umalis ang Pangulo sa Davao Intetnational Airport kasama ang kanyang delegasyon.

Wala pang ipinapalabas na listahan ang Malacañang kung sino sinong mga opisyal ang kasama ng Pangulo sa kanyang working visit sa Japan. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?