36

Sep 17, 2018 @ 11:13
By

Duterte biyaheng Cordillera ngayong Lunes para makiramay

Matapos bisitahin ang Lungsod ng Tuguegarao at Laoag ay biyaheng Benguet naman ngayong Lunes, Setyembre 17, si Pangulong Rodrigo Duterte para personal na makiramay sa mga biktima ng landslide dulot ng iniwang pinsala ng bagyong Ompong.

Sinabi ni Duterte na hindi siya nagkamali nang pauuwiin sa Region 2 sina Transportation secretary Arthur Tugade at Labor Secretary Silvestre Bello III dahil mabilis na kumilos ang mga local official matapos makita ang presensiya ng mga opisyal sa national government.

Nais ng pangulo na bumalik sa normal ang lahat sa lalong madaling panahon kaya kakausapin niya si Budget Secretary Benjamin Diokno na paghati-hatian ng mga nasalantang mga lugar ang natitirang calamity fund ng Office of the President.

“This can be discussed with Secretary Diokno when we go home. Whether he has calamity funds to… if we have to declare one, then we’ll talk about the money that we can share with others,” anang Pangulo.

Nais ni Duterte na gawing prayoridad sa rehabilitasyon ang napinsalang mga tulay at kalsada at pagpapanumbalik sa supply ng kuryente para maisulong ang mga pangunahing serbisyo sa publiko.

Sinabi pa ng presidente na may pondo ang bawat departamento para sa mga ganitong sitwasyon kayat pag-uusapan nila ito sa susunod na ipapatawag na cabinet meeting.

“Para sa akin the most important one would be the bridges if there are damages to maintain the connectivity and itong mga ilaw. Iyong public service muna for the general public. Then we would follow the rules of how to spend the remaining money to help the resudents,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Kuntento ang Pangulo sa naging resulta ng paghahanda ng mga opisyal ng Cagayan,Ilocos Norte at Isabela dahil naitala ang ‘zero casualty’ sa katatapos na bagyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?