35

Oct 6, 2017 @ 11:57

Duterte biyaheng Brunei

Tutulak sa bansang Brunei si  Pangulong  Rodrigo Duterte  mamayang gabi para  dumalo sa Golden Celebration  ng  pagiging  Sultan ni Hadji Hassanal Bolkiah.

Ang  Pangulo ay  personal na  inimbitahan ni Sultan Bolkiah para  maging  bahagi  ng  kanyang selebrasyon sa Istana Place sa Brunei Darussalam.

Pagkatapos  ng  selebrasyon ay  inaasahang  magkakaroon ng pagkakataon  si Pangulong Duterte  na  makausap  si Sultan Bolkiah  para sa  isang  bilateral meeting.

Inaasahan ding  bibigyan  ang  pangulo  ng  Royal Banquet dinner ng Sultan.

Babalik sa  Pilipinas  si Pangulong Duterte  sa  Sabado at  didiretso na  ito sa  Davao City.

Maliit  na  delegasyon lamang  ang  kasama  ni Pangulong  Duterte kabilang  na ang  ilang  miyembro ng  gabinete pati na ang  mga opisyal ng  Presidential Communications Operations Office. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?