591

Feb 14, 2019 @ 21:38
By

Duterte binato ng silya ang professor niya sa San Beda

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga taxpayer na huwag magpapaloko at labanan ang red tape sa gobyerno.

Kasabay nito’y ikinuwento ng Pangulo ang nangyari noong college student siya na binato niya ng upuan ang professor niya sa San Beda College of Law matapos siyang paulanan ng mura.

Tinawag umano siya nito dahil sa pagngiti umano niya nang pumasok sa classroom.

“Sabi niya, ‘Why are you smiling?’ Sabi ko, ‘Sir, I wasn’t smiling. Maybe before you came in.’ … Eh sabay, ‘You are smiling.’ Sabi ko, ‘Sir, hindi ako and I would not do that. There is nothing funny in this room now,’” panimula ng Pangulo.

Sa kabila nito ay naging mapilit umano ang professor niya.

Kaya ang ginawa umano niya ay hinatak niya ‘yung silya at itinapon ito sa professor.

“Tapos nauna pa ako [pumunta] doon sa dean. Sabi ko sa pari, ‘P****** i** nitong animal na ‘to pati ‘tong eskwelahan na ito. P***** i** ninyo, nagbabayad ako ha. Ang nanay ko ang nagpapadala ng tseke sa inyo buwan-buwan. Bakit mo ako murahin p***. Magagalit ka sa akin. Ano mo ako? Alipin? P***** i** kayong lahat. Sige, expel… Subukan ninyo. Sunugin ko itong San Beda. P****** i** ninyo’,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.

“Kaya ganun. Kayo, huwag kayong pumayag na lokohin kayo,” saad pa ni Pangulong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?