429

Dec 4, 2019 @ 10:57
By

Duterte binantaan ng economic sabotage ang Maynilad, Manila Water, mga senador

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na igigiit niyang makasuhan ng economic sabotage ang mga senador, Manila Water Co. at Maynilad Water Services dahil sa umano’y pagkakasangkot sa ‘onerous’ water deals noong 1997.

“Bakit pumayag ang mga senador diyan, marami ‘yan sila. And we will expose them. And I will insist that they be tried for economic sabotage. I will file this, economic sabotage, and I will arrest them all,” aniya.

“Lahat silang mga… patikim ko sila paano ang buhay ng preso. Kung pati ako isasali nila, sasali ako doon sa presuhan, walang problema ‘yan. Walang mawala sa akin,” dagdag pa niya.

Hindi naman tinukoy ng Pangulo ang pangalan ng mga senador na gusto niyang makasuhan dahil sa economic sabotage.

Noong Lunes sa Cabinet meeting ini-report ng Department of Justice kay Duterte ang pagkakadiskubre na ang mga government contract sa Manila Water at Maynilad ay hindi patas sa gobyerno pati na sa mga water consumer.

Nag-ugat ang pagpuna ni Duterte matapos atasan ng Permanent Court of Arbitration sa Singapore ang gobyerno na magbayad sa Maynilad ng P3.6 bilyon habang P7.4 bilyon naman sa Manila Water dahil sa nawalang kita ng dalawang water concessionaire matapos hindi payagang makapagtaas ng singil.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?