75

By

Duterte binalaan ang Immigration sa Bohol

Sharing is caring!

Pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang immigration officials at mga tauhan sa Bohol na huwag pagdiskitahan at galawin ang mga dayuhang turistang bumibisita sa lalawigan.

Sa kanyang talumpati sa dinaluhang pagtitipon ng liga ng mga bise-alkalde sa Panglao,Bohol kahapon, binalaan ng Pangulo ang mga taga-immigration at maging ng mga pulis na huwag pag-initan ang mga turista lalo na ang mga Koreano at Chinese.

Kapag nalagyan na ng stamp ang pasaporte ng mga dayuhan sa international airports sa bansa ay wala ng dahilan para sitahin pa ang mga ito.

“I’m warning the Immigration guys here. Kung wala dito, then the police should tell them… Ayon ang pulis dire. You tell the — sabihin mo diyan sa mga Immigration, pati lahat na — Immigration, police, lahat. Pagka ang turista, either Chinese o Korean, you are not allowed to accost anybody, any tourist for that matter. Iyong mga Immigration, stop it. Stop f**** the…

Tutal ‘pag na-istampan (stamp) na ‘yan sa international airport ng Cebu, when they come here, huwag ninyong galawin ‘yan. Moment na may nabalitaan ako, go out. I will dismiss you,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na napahiya siya sa tanong ng mga opisyal ng South Korea nang bumisita ito sa nabanggit na bansa, na anila ay bakit nag-iimbita pa ng mga turista ang Pilipinas kung papayayin lang din sa loob pa ng kampo na ang tinutukoy ay ang pinatay na negosyanteng si Ji Ickjo.

Sinabi ng Pangulo na ayaw niyang mapahiya muli ang gobyerno kaya dapat umayos ang mga pulis at mga taga-Bureau of Immigration.()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?