24

By

Duterte bibisita sa Pag-asa Island

Sharing is caring!

Matapos bumisita sa Philippine Rise ay posibleng ang Pag-asa island naman sa West Philippine Sea ang bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque bilang pag-sang-ayon sa naging pahayag umano ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na bibisita rin ang Pangulo sa PAgasa island.

Ayon kay Roque, darating ang panahon na pupuntahan ni Pangulong Duterte ang Pag-asa island para patunayan ang soberanya ng bansa.

Gayunman, hindi masabi ni Roque kung kailan ito gagawin ng Presidente dahil hindi pa naman napag-uusapan sa Palasyo.

Pero sinabi ng kalihim na mangyayari ito bago matapos ang termino ng Pangulo para madalaw na rin ang mga sundalong nagbabantay sa isla at sa ilang sibilyan na nakatira sa Pagasa Island.

“Well, tingin ko po darating at darating ang ang panahon na pupuntahan ni Presidente ang Pag-asa Island. Ang pagbisita ng isang Presidente sa Pag-asa ‘yan po ay ebidensya ng sovereignty at kung hindi man ngayon ‘yan gagawin ng Presidente , tingin ko bago matapos ang termino niya eh pupunta siya roon hindi lang para ipakita sa buong daigdig ang ating titulo sa Kalayaan kundi na rin para dalawin ‘yung ating mga kasundaluhan at ating mga kababayan na naninirahan doon sa Kalayaan,” ani Roque.

Ang Pagasa Island ang isa sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea at hindi pa napapasok ng China para pagtayuan ng mga istruktura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?