27

By

Duterte bibisita sa mga lugar na nasalanta ng Ompong

Sharing is caring!

 

Dadalawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lungsod na lubhang tinamaan ng tropical cyclone Ompong itong Linggo ng hapon, Setyembre 16.

Sa pag-alis sa bansa ng Ompong, pupunta si Duterte sa Cagayan partikular sa Tuguegarao, na matatandaang nasira ang paliparan, at sa Laoag, Ilocos Norte.

Dadalo  si Duterte sa situation briefing ng parehong bayan saad ng Palasyo

Kasalukuyang wala nang nakataas na storm surge at signal warning sa mga lugar sa ‘Pinas kaya nakasentro ngayon ang pamahalaan sa clearing at relief operations sa iba’t ibang lalawigan, saad ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Magsasagawa rin ng aerial inspection ang Pangulo sa dalawang nasabing lungsod upang malaman ang kabuuang naging pinsala ng nagdaang bagyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?