10

Nov 14, 2020 @ 15:41
By

Duterte bibisita sa Cagayan

Inihayag ni Senador Bong Go na bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Cagayan bukas, Nob. 15, kung saan maraming mga lugar ang nakararanas ng matinding pagbaha.

Bago noon ay sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque ang posibilidad na pagtungo ng Pangulo sa Cagayan.

Sa kabila iyon na abala ang Pangulo sa 37th Association of Southeast Asian Nations Summit and Related Summits.

“Ang problema nga lang po talaga may ASEAN. Siguro po gagawan ng paraan ng Presidente para makaikot din po diyan sa mga lugar na ‘yan,” aniya.

“Abangan lang po natin dahil mahirap nga po ang kanyang movement dahil hindi lang po ASEAN, panahon din ng COVID,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?