31

Oct 19, 2017 @ 17:19

Duterte: Bawat selda lagyan ng TV

Personal na ininspeksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kulungan sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kung saan nakakulong ang ilang high-profile inmates.

Sa kanyang talumpati kahapon matapos ang inspection, sinabi ng Pangulo na kuntento siya sa nakitang maayos na pasilidad pati na rin ang kundisyon ng mga bilanggo.

Kulang lamang aniya ng telebisyon ang bawat selda kayat palalagyan niya ng TV set bago matapos ang buwang kasalukuyan.

“Ok ang sitwasyon,they are comfortable , clean..I’m satisfied by the way it is being run by the BJMP so I’d like to congratulate for a job well done so far, maski limitado ang budget,” ang pahayag ng Pangulo.

Nakita ng Pangulo na kulang sa sasakyan ang BJMP at kailangan din aniyang ma-upgrade ang security apparatus kaya sisikaping ibigay ito sa susunod na taon kapag gumanda ang kuleksiyon ng gobyerno.

Nangako rin ang Punong Ehekutibo na dodoblehin ang sahod ng mga jail officers sa susunod na taon.

Matapos maglibot sa mga kulungan ay binigyan ng briefing ng briefing ng mga BJMP officials ang Presidente.

Kabilang sa mga nakakulong sa Camp Bagong Diwa jail ay ang financier ng Maute group na si Farhana Maute, pork barrel scam queen Janet Lim Napoles , mga miyembro ng abu sayyaf group at mga pangunahing suspect sa Maguindanao massacre. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?