239
Abante-tnt-Duterte2
Apr 13, 2019 @ 16:06
By

Duterte: Bastos ako magsalita pero hindi nagpapakita ng ari

Hindi umano kailanman magbabandera ng kanyang ari sa social media si Pangulong Rodrigo Duterte, gaya ng ginawa ng kanyang kritiko na si Jim Paredes.

Pero aniya, payag siyang hawakan ito ng babae basta maganda.

“Ako, bastos magsalita. Pero nunca akong nagpakita ng…Pero nagpapahawak ako basta maganda. Wala namang problema ‘yan. Pero hawak lang. Ngayon kung magka — magkasirtohan tayo…,” saad ng Pangulo sa speech sa Bacolod City.

Binanatan din nito ang “maliit” at “malambot” umanong ari ni Paredes.

“Kaya ako napasabi… Ako hindi ako nagyayabang ha, pero napasabi ako, ‘Ha? Hala kaliit’. Tapos adik tapos doing the la… ‘Yan ang mga tao nagbabatikos sa akin. Kita mo ‘yung kalidad nila. Dito ka mamaya sa likod ko. Pahipuin ko kayo. P***** i** kayabang-yabang ng… Malambot na, maiksi pa gyud. Tapos the character of the guy criticizing me to be corrupt and immoral,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?