52

May 14, 2021 @ 10:51
By

Duterte: Bakuna idiretso na sa mga LGU

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad ipamamahagi ang mga bakuna kontra COVID-19 sa sandaling dumating sa bansa.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People bilang tugon sa reklamo ni Manila Mayor Isko Moreno na napakabagal ang pamamahagi ng COVID vaccine ng national government.

Sinabi ng Pangulo na magiging mabilis na ang vaccine rollout sa mga susunod na araw dahil marami na ang dumarating na supply ng bakuna sa bansa.

“We will distribute the vaccines as fast as they come to our possession. Maghintay lang kayo because these things must be distributed immediately the fastest way that we can do,” anang Pangulo.

Kaya lamang aniya natagalan ang pamamahagi noong mga nakalipas na araw at linggo dahil kakaunti pa ang supply , pero ngayong bultuhan na ang dumarating mula sa vaccine manufacturer ay magiging mabilis na ang distribusyon ng mga bakuna.

Pero sinabi ni Duterte na ngayong marami-rami na ang dumating na supply ng bakuna, magiging mabilis na ang paglabas ng mga ito para mabakunahan ang mas maraming Pilipino.

“So iyon ang tandaan ninyo na mabilis na ang dating ngayon at mabilis na din ang bigay natin. It goes without saying na mabilis pagpasok, bilis din tayo magpalabas nito,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?