24

Jan 14, 2021 @ 11:10
By

Duterte: Bagong COVID variant sana ‘di mas toxic

Nabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong COVID-19 variant mula United Kingdom na namataan na sa Pilipinas.

Una nang pinunto ni medical expert Dra. Lulu Bravo na ang UK variant ay hindi naman mas nakamamatay kesa sa mga lumang COVID-19 variant pero napag-alaman sa mga pag-aaral na ito ay “highly more transmissible.”

“May bagong monster na naman,” sabi ni Duterte kagabi.

“And I pray to God really na sana, sana na hindi ito more dangerous, more toxic than the original COVID, ‘yung ginagawan ng bakuna ngayon,” punto niya pa.

Sinabi ito ng pangulo matapos ihayag ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga detalye ukol sa unang kaso ng UK variant sa bansa.

Isang Pilipino na dumating sa bansa mula sa United Arab Emirates (UAE) noong Enero 7 ang nagpositibo sa bagong COVID-19 variant.

Negatibo naman sa COVID-19 ang babaeng partner ng pasyente na kasama niyang bumiyahe pa-Pilipinas pero naka-quarantine din ito at patuloy na minomonitor.

Inaalam pa kung paano nahawa sa UK variant ang lalaking Pinoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?