20

May 5, 2021 @ 11:33
By

Duterte: Bagong COVID variant huwag sanang magwala!

Magiging malaking hamon sa gobyerno kapag hindi nakontrol ang pagkalat ng COVID-19 variants at mutants sa bansa.

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte  kapag kumalat ang mas mabagsik na uri ng variant ng COVID-19 gaya ng sumasalanta sa India.

Nangangamba ang Pangulo na baka hindi makontrol ng isang bakuna lang lalo na at wala lang sapat na supply ng COVID-19 vaccine ang bansa.

“Let us just pray that itong mga variants, itong mutants will not go haywire. Iyan ang bantayan natin dahil baka hindi makontrol ng isang bakuna lang and we do not have in sight yet na anong pinag-aaralan ngayon ng mga scientist,” anang Pangulo.

Tiniyak ni Duterte na susuportahan niya ang ano mang hakbang ng mga medical expert sa bansa para mapag-aralan ang mga variant ng COVID at kung ano ang maaaring pwedeng panabla sa mga ito.

Kumpiyansa ang Presidente na kayang trabahuhin ng mga Pilipinong eksperto ang mga lumulutang na bagong COVID variant sa bansa.

“This would be another challenge, maybe to our native scientist to work harder. We will provide them all with what is necessary really to make a conclusive finding if they have one,” dagdag ng Pangulo. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?