86

Nov 19, 2021 @ 19:14
By

Duterte ayos lang kung No. 12 sa senatorial race

Walang ilusyon si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-Number 1 sa senatorial race pagdating ng halalan sa 2022.

Sa kanyang pagharap sa mga lokal na opisyal ng Oriental Mindoro kamakalawa, sinabi ng Pangulo na ok na sa kanya kahit pang-number 12 lamang siya sa puwesto sa Senado pagdating ng eleksiyon.

“Ako wala na rin ibang kailangan, siguro maski number 12 lang ako sa Senate race, ok na ako. I have no illusions, wala na kasi naging Presidente na ako, sagad na,” anang Pangulo.

Mayroon aniyang personal na dahilan kung bakit nagdesisyon siyang tumakbo sa pagka-senador sa kabila nang naunang pahayag na magreretiro na ito sa politika.

Gayunman, hindi idinetalye ng Pangulo kung ano ang dahilan kung bakit nagbago ito ng isip at nais pa ring ipagpatuloy ang pagiging politiko at lingkod bayan.

“But there is a personal reason kung bakit. May rason talaga kung bakit tatakbo ako. It’s not because I really want to stay in government work. I would have wanted to retire after this… mayorship kasi tawag ko sa sarili ko,” dagdag ng Pangulo.

Nauna rito inanunsiyo ng Presidente noong Oktubre na magreretiro na ito sa politika matapos iendorso si Senador Bong Go para sa pagka-bise presidente na kalaunan ay kumandidato sa pagka-pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?