21

Nov 24, 2021 @ 15:52
By

Duterte: Ayaw pabakuna huwag papasukin sa resto, resort

Hindi dapat papasukin sa mga restaurant at resort ang mga tumatangging magpabakuna laban sa COVID-19 dahil banta sila sa kalusugan at kaligtasan ng publiko, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang lingguhang pagsasalita sa bayan, sinabi ng Pangulo na dapat maunawaan ng publiko na kailangang mabakunahan ang lahat.

Dagdag ni Pangulong Duterte, suportado niya ang mga restaurant at resort na tatanggi sa mga hindi bakunado.

“I support restaurants and all places where there is a risk of contamination of the public. You have my support. Don’t let them eat,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?