65

Jan 3, 2018 @ 17:38
By

Duterte ayaw ng term extension – Palasyo

Kinontra ng Malacañang ang pahayag ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na maaaring mapalawig ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nasa “transitory period” kapag naisulong na ang federalismo.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, makailang beses ng sinabi ng Pangulo sa kanyang mga talumpati na ayaw niya ng mahabang termino.

Kung siya aniya ang masusunod ay nais nitong hanggang tatlong taon lang attapusin agad ang kanyang termino.

“I can categorically state that President Duterte does not want that. He wants to cut short his term rather than lengthen it,”ani Roque.

Kaugnay naman sa naging pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na posibleng magkaroon ng no election o “noel scenario” sa 2019 kapag natuloy ang federalismo, sinabi ni Roque na tungkulin ni Pangulong Duterte na ipatupad ang Konstitusyon.

Ang Konstitusyon aniya ang nagtatakda kung kailan ang susunod na eleksiyon at hanggat hindi naamiyendahan ang batas sa eleksiyon, walang dahilan para ipagpaliban ito.

“The President always looks to the Constitution as his guiding document. The Constitution sets the date for the next elections in 2019. So unless the Constitution is amended ahead of the 2019, it will have to push through,”dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?