49

Feb 10, 2018 @ 11:06

Duterte ayaw ng extension sa ikatlong telecom player bidding – Andanar

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na matapos na agad sa Marso ang bidding para sa ikatlong telecommunications player, na tatapos sa pagdomina ng Smart PLDT at Globe sa naturang industriya.

Sabi ni Communications Secretary Martin Andanar sa dzBB nitong Sabado ng umaga, na gusto ng Pangulo na mangyari ang bidding sa susunod na buwan.

“Hindi papayag ang Pangulo ng extension sa bidding. Kailangan, aniya, by March meron na,” aniya.

Dagdag pa ni Andanar, hindi lang tawag at text ang gustong mapaunlad ni Pangulong Duterte kundi maging ang internet services ay mapabilis.

Nauna nang nagpahiwatig ang mga nagnanais na maging bidders para sa ikatlong telco na mailipat ito ng Mayo sa halip na Marso dahil sa malaking pera at mga tauhan ang kakailanganin nila para makapasok sa bidding.

“Kailangan malalim talaga ang bulsa ng third player. Pinaka-minimum kakailanganing capital outlay ay P300 billion,” paliwanag ni Department of Information and Communication Technology OIC Eliseo Rio Rio sa dzBB.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?