158

Mar 9, 2019 @ 19:02
By

Duterte ayaw magbiro sa babae kapag kasama si Cayetano

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-iingat siya sa pagbibiro tungkol sa mga babae kapag kasama sa kampanya ang isa sa mga pambato ng administration party na si congresswoman Pia Cayetano.

Sinabi ng Pangulo na para ring ang kanyang anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio na istrikta si Cayetano at nagagalit kapag ginagawang biro ang mga babae.

Kaya aniya medyo kumakambiyo ito sa kanyang mga talumpati kapag kasama sa kampanya si Cayetano.

“Si Pia ay very passionate about issues sa babae. Kaya ako, pagka-nandiyan siya, hindi ako nagbiro ng ano. Part of the narrative but hindi ako ‘yung nagbiro-biro ng babae kasi nagagalit pareho kay Inday,” anang Pangulo.

Pero bumawi ang Presidente at hinahangaan aniya nito si Cayetano dahil talagang ipinaglalaban nito ang karapatan ng mga kababaihan.

Tinukoy ng Pangulo ang Extended Maternity Leave sa mga nanay na isa sa mga nagawa ni Cayetano bilang mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?