14

Sep 17, 2020 @ 15:59
By

Duterte aprub palitan si Duque sa PhilHealth

Sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa suhestiyon na alisin ang PhilHealth chairmanship kay Health Secretary Francisco Duque III at ibigay ito kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.

“I will confirm that the President had a favorable reaction to it,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang televised briefing nitong Huwebes.

Pero ani Roque, nasa mga kamay ng Kongreso ang pagpapasya hinggil dito.

“PhilHealth was created pursuant to law amended by the Universal Health Care Law and it depends on the wisdom of Congress if they feel that the legislative basis for the existence of PhilHealth should be amended, so be it, the President will respect that,” paliwanag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?