80

By

Duterte, aligaga sa kabi-kabilang bilateral meeting

Sharing is caring!

Sumabak agad sa trabaho si Pangulong Rodrigo Duterte pagbalik nito sa bansa mula sa pagdalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Da Nang, Vietnam.

Sa unang araw ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit, limang aktibidad agad ang nasa official schedule ni Pangulong Duterte kasama na dito ang bilateral meeting niya kina Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei at Prime Minister Malcolm Turnbull ng Australia.

Pinangunahan ng Pangulo ang ASEAN Business Investment Summit (ABIS) sa Solaire Hotel, Pasay City at ang arrival ceremonies para sa Heads of State kasama ang kanilang mga asawa at mga bitbit na mga opisyal sa SMX convention center.

Pinaaga rin ang Special Gala Celebration para sa 50th anniversary ng ASEAN na ginawa sa SMX Convention center, sa halip na sa huling araw ng summit dahil may mga state leaders na aalis kaagad pagkatapos ng ikatlong araw ng ASEAN sumit.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte pagdating sa bansa noong Sabado ng gabi, sinabi nitong ito naman ang sasalubong sa mga bisita para sa ASEAN Summit sa bansa.

“Now, it shall be our turn to welcome to Manila our distinguished leaders and guests to the 31st ASEAN Summit and Related matters,” ang pahayag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?