15
joma-sison
By

Duterte administration, hindi mapapabagsak ni Joma Sison – AFP

Sharing is caring!

Hindi alam ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan humuhugot ng lakas ng loob si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Chief Political Consultant Joma Sison.

Ito’y kasunod ng kanyang panawagang pabagsakin ang administrasyong Duterte matapos ang pagkaantala ng usapang pangkapayapaan.

Sinabi ni AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, suportado ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at nakararaming Pilipino si Pangulong Duterte kaya malabong mapabagsak ang administrasyon.

Malabo na rin aniya mauutusan ni Sison ang mga katutubo na matagal na nilang nalinlang dahil mismong ang mga ito na aniya ang humiling sa Pangulo na huwag na makipag usap sa NPA.

Sa katunayan aniya ang hanay ng CPP-NPA-NDF ang patuloy na bumabagsak.

Batay aniya sa kanilang datos 7,531 na ang kabuuang bilang na nalagas sa NPA simula Jan 1 hanggang June 28 ngayong taon.

Sa bilang na ito 71 na ang mga namatay, 114 nadakip, at 7,346 na ang sumuko.

Batay sa kuwento ng mga sumuko, hindi na nila kaya ang hirap sa bundok, gutom at pagod sa pakikipaglaban samantalang ang nag-uutos daw sa kanila na si Joma Sison ay nabubuhay ng maginhawa at mariwasa sa ibang bansa.()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?