113

Nov 5, 2018 @ 12:58
By

Duterte administration duwag kaya pinalayas si Sister Fox – Kiko Pangilinan

Naging hayag umano ang pagiging duwag at mahina ng Duterte administration sa pagpapalayas nito sa Australyanong madre na si Sister Patricia Fox.

Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, pangulo ng Liberal Party (LP), nakita rito na takot ang Malacañang sa mga kritisismo dahil ayaw nitong humina ang kapit sa kapangyarihan.

“Deporting a 70-year old, ailing nun, is not a sign of power and strength. It is a sign of great fear, of cowardice and of weakness,” sabi ni Pangilinan.

“Takot ang kasalukuyang administrasyon sa mga batikos tulad ng galing sa boses ng Madre na si Sister Patricia Fox na humina o mawala ang mahigpit na hawak ng gobyerno sa kapangyarihan kaya kahit 70 na at sakitin ay kailangan siyang ma deport,” dagdag nito.

Umalis nitong Sabado ang madre at nasa Australya na ngayon.

Binawi ng gobyerno ang visa nito dahil sa paglahok umano sa mga kilos-protesta na ipinagbabawal sa mga dayuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?