68

Dec 9, 2020 @ 13:46
By

Duterte admin walang maayos na programa – Trillanes

Sa loob ng apat na taon, walang nakita si dating Senador Antonio Trillanes na maayos na programa ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Siguro, hindi lang ako ang nakakapagbigay ng ganitong obsernasyon pero talagang nakakadismaya,” pahayag ni Trillanes sa panayam ni Jon Ibanez sa programang Kamustahan at Balitaan sa Politiko TV.

“Maaala natin, sinabi nila in 3 to 6 months matatanggal ang crime, corruption, illegal drugs. Pero lumaganap pa ang corruption at krimen. Ang illegal drugs tone-tonelada ana ang ini-import pero hindi nahuhuli kasi siila ay protektado,” dagdaga pa nito.

Kung may nakikita man aniya siyang positibo sa nagawa ng administrasyong Duterte, ito ay ang pagpapatuloy ng mga programa ng nagdaang pamahalaan partikular ang pag-modernize sa armed forces at 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

“Ito ay continuation na mga mga programa ng nakaraang administrasyon – modernization of armed forces, 4Ps. Sa ngayon yulot-tuloy yan. Pero sa kanila mismong initiative, hindi ko makita kasi, wala akong makita,” saad ng dating senador.

Ayon kay Trillanes, kung nagawang orihinal na inisyatibo ang Duterte administration, ito ay pagdadag ng suweldo ng mga sundalo.

“Siguro ang original na initiative nila, pag-increase ng suweldo ng sundalo. Pero imbalance naman kasi ang nadoble lang suweldo yung mga low ranking enlisted person, pero mga senior hindi,” sambit pa nito.

Dismayado rin ang dating senador sa pagsasabatas ng anti-terrorist law na aniya hindi naman kailangan sa ngayon.

“Ang kailangan lang paigtingin ang intelligence operation na ginagaw ana ng AFP at PNP. Ang kailangan lang nila pondo,” ani Trillanes.

“Tapos engage lang yung ating mga kaalyado, like itong US for example, itong ASEAN and other allies like Japan and Austrialia. Magkakaro na information exchange diyan,” dagdag pa nito.

Nakasama din umano ang ginawang pagsuspinde ni Duterte sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa US lalo na usapin ng counter terrorism.

“Itong pag-suspend ng VFA naka-hamper sa counter terrorism effort nation kasi marami tayong nakukuhang information using equipomet ng US force na di natin kayang bilhin. Noong na-suspend nawalan tayo ng malaki sa flow of informatipon,” ayon pa sa dating mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?