wps11
By

Duterte admin, pinakikilos sa patuloy na militarisasyon sa WPS

Sharing is caring!

Nakikiusap sina ACT Teachers partylist Reps. Antonio Tinio at France Castro kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag namang balewalain ang patuloy na militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Tinio, hindi biro ang paglalagay ng missile ng China sa Spratly Island.

Nararapat naman anyang i-protesta ito ng gobyerno at ipatanggal ang missile sa Mischief Reef na ayon sa ruling ng Permanent Court of Arbitration ay bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“The Duterte administration must not ignore the deployment of the first Chinese missile in the Spratly Island where several Asian countries have rival claims and leave it without protest,” ani Tinio.

Sinabi naman ni Castro na hindi dapat ipagpalit ng administrasyong Duterte ang soberenya ng bansa sa alok na mga imprastraktura ng China.

Binigyang diin nito na hindi tamang pinapanood lang ng gobyerno ang ginagawang panghihimasok sa terirtoryo ng Pilipinas.

“President Duterte has been actively selling Philippine infrastructure projects in exchange for the silence of the Philippine government on Chinese incursion and military expansion on our claimed areas,” sabi ni Castro.

Kasabay nito’y nanawagan rin ang mga militanteng kongresista na maging mapagmatyag sa paggiit naman ng Estados Unidos sa kanilang presensya sa rehiyon sa gitna ng pagiging agresibo ng China.

“We must also remain vigilant with the reiteration of the United States to ‘importance of keeping a presence in the region’ with China’s increasing militarization,” ayon sa mga mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?