51

By

Duterte admin nagpapogi lang sa ASEAN Summit

Sharing is caring!

Lumabas na nagpapogi lang umano ang administrasyong Duterte sa katatapos na ang 31st ASEAN Summit na ginanap sa Pilipinas, ayon kay Akbayan partylist Rep. Tom Villarin.

Sabi ng kongresista, bagama’t magandang pang-“photo op” para sa world leaders, naitsa-puwera naman ang mga isyu ng rehiyon gaya ng kahirapan, krisis sa kapaligiran, agawan ng teritoryo, human trafficking, pag-abuso sa karapatang pantao kabilang ang genocide sa Rohingya at ang maramihang pagpatay sa giyera kontra iligal na droga sa Pilipinas.

Sabi ni Villarin, kung meron mang magandang nangyari sa ASEAN summit, iyon ay ang pirmahan lang ng kasunduhan sa migrant workers.

“But the “non-interference principle” of ASEAN is consistently applied only to the socio-political rights of its peoples but not when it comes to free trade of economic goods and services,” ayon kay Villarin.

Kung saan-saan aniya nakatuon ang ASEAN, kahit pa nabanggit sa agenda ang ilan sa mahahalagang usapin.

“It seems that the “ASEAN way” is to look elsewhere when human rights and people’s welfare are brought up on the agenda. Sovereignty issues like our claims over the WPS are swept under the rug so as not to antagonize a bully in the region, China, from which we want to get an economic bonanza.”

Dagdag ng kongresista, gumastos ang Pilipinas ng P15B para lang magmukhang tanga. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?