190

Feb 24, 2019 @ 18:42
By

Duterte: 40% ng mga rebeldeng NPA bakla!

Hindi na naman napigilang ratratin ng salita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa talumpati nito noong Sabado, Pebrero 23.

Ayon sa Pangulo 40 porsyento ng mga sundalong NPA ay mga bakla.

“Alam ba ninyo that 40 percent ng NPA ngayon na sundalo, bakla?” saad ni Duterte sa kaniyang speech sa Biñan, Laguna.

“Ibig sabihin — hindi itong sabihin mo ‘yung bakla-bakla lang na ano. I mean ano lang ‘yan eh. It’s a — a tag. Actually, as they’re — as natural as… Huwag lang makakita ng gwapo ang mga g***,” dagdag pa nito.

Ang sinabing iyon ng Pangulo ay nagbunsod upang magpalakpakan ang mga tao sa Laguna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?