23

Nov 24, 2021 @ 19:59
By

Duterte: 3M kabataan protektado na kontra COVID

Masayang ibinalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahigit tatlong milyong kabataan edad 12 hanggang 17 ang bakunado na laban sa COVID-19.

“I am very pleased to know that we have already vaccinated more than three million minors aged 12 to 17 as of today. Marami ‘yan, three million,” anang Pangulo sa kanyang Talk to the People kagabi.

Sa datos ng Department of Health, nasa 12.7 milyon ang mga kabataang nasa 12 hanggang 17 taong gulang.

Target ng gobyerno na mabakunahan ang 80% ng mga kabataan o sampung milyon ngayong Disyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?