106

Oct 4, 2019 @ 10:14
By

Durham, Meralco bibinyagan si House

Mga laro ngayon (MOA Arena)

4:30 pm – Meralco vs. Alaska

7:00 pm – Magnolia vs. Rain or Shine

(Coca-Cola Arena, Dubai)

8 pm – SMB vs. NLEX

Matatasahan mamaya ang bagong import ng Alaska, si Frank House na ipinalit sa injured na si Justin Watts.

Si Allen Durham at ang Meralco Bolts ang unang bibinyag kay House sa first game mamaya sa MOA Arena.

Bagong reinforcement din ang ipaparada ng Rain or Shine sa nightcap, si Kayel Locke na humalili kay Joel Wright.

Sasagupain ng 1-2 Elasto Painters ang 1-1 defending champion Magnolia Hotshots.

Even 1-1 ang Bolts, isang linggong nagpahinga tapos sumadsad sa NLEX 105-99.

Sa larong ‘yun ay nagsumite si Durham ng 32 points, 19 rebounds, 3 assists at 3 steals, pero kanya ang lima sa 17 turnovers ng Bolts.

Tumikim ng back-to-back losses si Watts bago inabot ng calf strain at iniupo na ni coach Jeff Cariaso nitong Linggo kontra San Miguel Beer sa Laguna. ‘Di pinaporma ng Beermen ang all-Filipino Aces 109-83.

Pupunan ni Watts ang 31.0 points, 13.0 rebounds at 2.5 assists na average sa dalawang laro.

Produkto ng US NCAA Division 1 school Ball State U si House at huling naglaro sa Lanstede Zwolle sa Dutch Basketball League. Naging teammates sila doon ni Locke.

Marami ang nag-aabang kung maihahatid na ni House, 25, sa breakthrough win sa PBA Governors Cup ang Alaska.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?