27

Jan 17, 2020 @ 9:23
By

Durham masaya sa Best Import, dismayado sa Game 4

Masaya si Allen Durham na tinanggap ang pangatlo niyang Best Import award sa PBA, pero dismayado sa inilaro ng Meralco Bolts sa Game 4 ng Governors Cup Finals.

Bago ang laro ay itinaas ni AD ang award, tapos ay natanggapa ng Bolts ang 3-1 series deficit bunga ng 94-72 loss sa Ginebra.

‘Di napigilan ni Durham na ilabas ang pagkadismaya.

“Everybody has to look in the mirror. Everybody,” giit niya nang mainterbyu sa hallway ng Smart Araneta Coliseum. “Tonight, everybody on the roster played like sh*t. we gotta get better.”

Nakapagsumite si Durham ng 21 points, 27 rebounds at 7 assists, pero sa pangalan niya nakalista ang 6 sa 19 turnovers ng Meralco na nai-translate sa 27 points ng Gin Kings.

“Tonight was terrible. It’s embarrassing,” pakling patapos na sambit ni AD.

Pipilitin ng Bolts na sikwatin ang Game 5 ngayong Biyernes ng alas-siete nang gabi sa MOA Arena para humaba ang serye.

Sakaling manalo ang Bolts, ilalaro ang Game 6 at Game 7 sa Philippine Arena sa Bocaue sa Linggo at Miyerkoles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?