73

Jul 20, 2019 @ 17:32
By

Durham ibabalik ng Bolts

Nakita na ni coach Norman Black ang naging kakulangan ng Meralco nitong PBA Commissioner’s Cup – rebounding.

Hindi nakaporma ang Bolts sa paint, kaya naisip nilang solusyunan ‘yun sa pamamagitan ni Allen Durham.

Planong ibalik ng Meralco sa season-ending Governors Cup si Durham, nagdala sa kanila sa back-to-back runner-up finishes sa parehong torneo noong 2016 at 2017.

“He’s a strong possibility,” ani Black pagkatapos ng 108-103 overtime loss ng Meralco sa Alaska sa knockout match para sa last quarterfinals berth sa MOA Arena noong Biyernes.

“We just haven’t decided what we’re gonna do yet, but he’s a strong possibility,” dagdag ni Black sa 6-foot-5 American na naging two-time Best Import din ng Governors Cup.

Kontra Aces ay namigay ng 22 offensive rebounds ang Bolts, bagay na nakikita ni Black na maibababa ni Durham. Overall ay naungusan ni Diamon Simpson at Aces si Delroy James at ang Bolts 58-36 sa points in the paint, 34-14 sa second chance points, at 22-13 sa offensive boards.

“We really need somebody who man the paint and control the boards,” dagdag ng coach. “In the past, he’s been a perfect fit for us, so I’m hoping we can work things out with him.”

Noong nakaraang season, No. 7 ang Meralco pero naihatid ni Durham sa hanggang semifinals bago yumuko kay Mike Harris at Alaska din.

Huling naglaro daw si Durham, 31, sa Japan kaya tiwala si Black na nasa kondisyon na ito. Ang problema na lang ay kung papayag pa siyang bumalik sa Bolts.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?