35

By

Durham aminado, Meralco kinalawang

Aminado si Allen Durham na kinalawang sa dalawang linggong break sa pagitan ng quarterfinals at semifinals ng Governors Cup.

Mula Nov. 27, ceasefire muna ang PBA dahil binigyang daan ang SEA Games.

Bumalik si Durham at ang Meralco nitong Linggo sa siklab ng best-of-five semis nila ng TNT sa Smart Araneta Coliseum.

Tumaob ang Bolts 103-94 sa kabila ng 32 points at 21 rebounds ni Durham.

“We were off for a while,” aniya. “I definitely felt the rust in the first three quarters.”

Sa loob ng 36 minutes na ‘yun ay napuwersa pa si AD sa seven turnovers.

“Our offense was bad, our defense was bad,” dagdag niya. “Against this type of team, you can’t start playing with six minutes left in the game and expect to be okay.”

Nang maipagpag ang kalawang, nam-bulldozer si Durham ng 16 points sa fourth para ibalik ang Meralco, naidikit niya sa 93-85 sa tulong nina Allen Maliksi, Baser Amer at Trevis Jackso.

Pero naubusan na ng oras ang Bolts, masyadong malaki ang 87-65 na inahunan.

Kailangan ng bayanihan para itabla ang series sa Game 2 ngayon sa Big Dome din.

“We have to play with more rhythm,” paliwanag ng import. “I think everybody will just have to be in better rhythm and play better.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?