5

Sep 15, 2020 @ 16:28
By

Duremdes: MPBL-Dubai didribol

MAGKAKAROON ng kapatid na liga ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa labas ng bansa na bubuuin ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Dubai, United Arab Emirates.

Ito ang isinawalat mismo ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes sa pagdalo nito sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum webcast Martes ng umaga kung saan pitong koponan na binubuo ng mga Pilipinong OFW na bitbit ang malalaking kompanya ang kumpirmadong kasali.

“Yes, it will be called MPBL UAE,” sabi ni Duremdes.

“Nagkausap at nagkasundo ang liga saka iyung organizers noong nagpunta kami doon last year at tatawagin nila ang liga after the MPBL na Seven Emirates All Filipino Cup, parang ganon.”

Nakatakda sana simulan ang liga sa Dubai ngayong taon subalit nakansela dahil sa biglaang paglaganap ng coronavirus pandemic.

“Kung walang pandemic, napatakbo na sana ngayong taon. Kailangan lang namin na bigyan sila ng seminars at technical operations kasi naka-set up na sila doon. Kaya lang, problema ay pinauwi sila lahat dahil nga sa dito sa pandemic,” sabi pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?