75

By

Duremdes masaya sa tagumpay ng MPBL

Sharing is caring!

Sa tuwing may Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) saan mang lugar ito ganapin, dagsang tao ang dumadalo para manood at tangkilikin ang liga.

“The crowd from the start is amazing, hindi nagbabago,” sabi ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes.

Masasabing naging mahusay at matagumpay ang semi-professional league dahil maging sa telebisyon ay marami ang nakasubaybay.

Hindi gaya ng PBA na madalas na umanong langawin sa ngayon.

Kaya’t usap-usapan ng netizens na kinokompetensya raw ng MPBL ang pro-basketball league na PBA.

“PBA is still PBA. I still believe its the number one basketball league in the country professionally and were not competing them,” ani Duremdes.

Ang makikitid na pag-iisip lamang raw ng fans ang gumagawa ng mga isyu patungkol sa pag-pro ng liga.

“It’s the fans and the people around ang nagsasabi na maybe we’re competing with PBA but were not. Dahil napaka-knowledgable ng basketball fans natin eh minsan through social media ay napag-uusapan na i-compare,” sabi pa ni Duremdes.

Pero may balak ang liga na i-expand ang dalawang team division sa susunod na taon.

“We’re expanding up to 16 teams (per division) next year as per senator Manny Pacquiao. Hanggang 16 teams na lang ang expansion namin so 32 (total teams). But going pro league wala pa medyo sa plano ng MPBL,” paliwanag pa nito.

Proud naman si Commissioner Duremdes sa kakaibang hatid ng liga sa manonood at ibinida na mas malaki raw umano ang bentahe nito sa basketball players.

Sa ngayon ay masaya at kuntento na raw ang MPBL sa kanilang tuloy-tuloy na tagumpay. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?