235

May 11, 2019 @ 19:06
By ,

Duremdes: Bicol bagong salta sa MPBL

Magiging ika-27 koponan ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang probinsiya ng Bicol matapos silang pormal na tanggapin ng mga opisyal ng liga nitong Biyernes sa Road Hauz sa General Santos City.

Ang Volcanoes, na pangungunahan ni coach Monel Kallos, ang pinakabagong squad na sasalang sa MPBL ngayong taon.

Ang isa pang aplikante ay ang Iloilo at may dalawang tropa pang umaasang makakuha ng rights sa liga, na masusi pang pinag-aaralan ni CEO at founder Manny Pacquiao kung sino ang pipiliin.

Humingi ng 10 home games ang Bicol sa season na ito, na nagsisimula na ngayon Hunyo 12 sa Mall of Asia Arena.

“Okay ‘yan, as long as they will provid buses for the delegation and hotel accommodation, of course,” sabi ni Commisioner Kenneth Duremdes.

Isa pa sa inaprubahan ng mga opisyal ang pagpasok ng bagong management group na kayo mag-ooperate sa Pasig Pirates at si long-time Sta. Lucia Realty team manager at two-time PBA executive of the year awardee Buddy Encarnado ang bagong general manager ng Pirates.

Ang Pirates ang may pinakapangit na record sa Datu Cup (4-21) sa ilalim ng dalawang managements – James Ong at Paolo Mercado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?