7

Dec 30, 2020 @ 15:21
By

Durante: PSG nagbakuna ng sarili kontra COVID-19

Siniwalat ni Presidential Security Group (PSG) commander Brig. Gen. Jesus Durante III na sila mismo ang nagbakuna sa kanilang mga sarili at walang tulong ng anumang doktor o health worker.

“We vaccinated ourselves. It’s so easy,” pag-amin ni Durante sa isang panayam sa telebisyon nitong Miyerkoles.

“We’ve done our research. For now, we’ve found the appropriate vaccine for us, which I could say is a traditional vaccine, so we took the risk,” dagdag niya.

Magugunitang kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na isang Cabinet member at ilang PSG member ang tumanggap ng COVID-19 vaccine sa kabila na wala pang inaaprubahang anumang bakuna laban sa virus ang Food and Drug Administration.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?