17

Sep 21, 2020 @ 23:34
By

Durant pipigain ni Nash

Katutuyo lang halos ng pirma ni Steve Nash sa kontrata niya bilang bagong coach ng Brooklyn, may plano na agad ang dating two-time NBA MVP kay Kevin Durant.

Pahayag ni Nash sa The Old Man and the Three podcast ni JJ Redick:

“Kevin, with his length, is a matchup problem for everyone. Kevin can play all five positions, and I plan to use him in all five positions.”

Matinding role kay KD, mas matinding problema sa kalaban.

Mula sentro, mag-slide sa 3 at 4, aangat sa shooting guard o point.

May pruweba na ang husay ni Durant kahit saang puwesto ilagay.

Nakakapagdala ng bola, matalas ang mata, mainam pumasa. May tira sa perimeter o sa labas ng arc, mahaba ang galamay kung pang-ilalim.

Versatile.

Pamatay ang lineup ng Nets sa susunod na season kina Durant, Kyrie Irving, Caris Levert, Spencer Dinwiddie, Jarrett Allen.

Sa estilo ni Nash na nasanay sa mabilis na ikot ng bola, tatakbuhan ng Nets ang mga katapat.

Bago matapos ang regular season, makikita na ni Nash kung saan pinakaepektibo si Durant.

Malayo ang mararating ng Nets, huwag lang madidiskaril ng injury ang key players.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?