49

May 24, 2019 @ 11:11
By

Durant pahinga pa sa Finals

Hindi pa rin makakabalik sa aksyon ang Golden State superstar na si Kevin Durant.

Kailangan pa ring ipahinga ng postseason leading scorer ang kanyang strained right calf at hindi pa rin nakakaensayo kasama ang team.

Sa Game 1 ng NBA Finals ay paniguradong bakante muna si Durant at asahang magtutuloy-tuloy ang magandang takbo ng koponan sa kanyang pagkawala.

“We’ve known all along, it’s how he responds. There’s never been a point during this process where we’ve been able to say, ‘he’s going to play on such and such date,’ and there still isn’t, so we just keep going, keep moving forward,” ayon kay Kerr. “… But again, he hasn’t spent any time on the court with us, hasn’t gone through an individual shooting workout.”

Wala man si Durant, malaki naman ang tsansa na makasalang sa laro si DeMarcus Cousins sa finals series.

“I feel good, a lot better than I was, I’m in a better place. I’m able to get up and down the court more. I’m able to play a little competition basketball,” saad ni Cousins.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?