365

By

Durant nabanas, Green suspendido sa pang-iinsulto

Sharing is caring!

Nagkasagutan ang mag-teammate na sina Golden State forward Kevin Durant at Draymond Green matapos magkalat ang huli sa last play ng 4th quarter sa kanilang laban kontra Los Angeles Clippers.

Tabla ang laban, 106-106, ilang segundo na lang ang nalalabi sa 4th, tangan ni Clippers guard Lou Williams ang bola nang mamintis nito ang fadeaway jumper na panlamang sana.

Nakuha ni Green ang bola na tila inagawan ng rebound si Durant, limang segundo ang natitira sa game clock, matapos nito ay kitang hinihingi ng huli ang bola ngunit tila wala sa ulirat ang una, drinibol patungong basket ngunit biglang nabitawan ang leather.

Pagtungo sa bench, kitang nagkasagutan ang dalawa, si Durant ayaw paawat, tila sinisigawan si Green sa ginawang kapalpakan, habang si Green ay lumalayo na lang ngunit parang napundi rin ang tenga sa sinabi ng kasangga.

Ayon sa report, paulit-ulit na ‘bitch’ ang tinawag ni Green kay Durant at dahil dito, suspendido ito ng isang laro sa kanilang laban sa Atlanta Hawks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?