372

By

Durant, lalayasan na ang Warriors?

Sharing is caring!

Hahayaan na lang umano ni Golden State star Kevin Durant na lumipas ang deadline hinggil sa pananatili niya sa koponan, para umano maging free agent sa Hulyo 1.

Ayon sources sa liga ni Marc Stein ng The New York Times, sinabihan na umano ni Durant ang Warriors hinggil sa naturang hakbang.

“Just to clarify on Kevin Durant: Friday’s deadline compels Durant to opt IN on his $26.3 million for next season if he chooses, but league sources say he has already informed the Warriors that he will let the deadline pass quietly so he can become a free agent July 1,” sabi ni Stein sa tweet.

Usap-usapan na ayaw na umano ni Durant na magbigay ng napakalaking discount sa kanyang sahod para lang makapasok sa Warriors.

Noong nakaraang offseason, pumayag si Durant na mabawasan ng nasa $10 million ang maximum salary niya sa deal sa Golden State para mapapirmang muli sina Andre Iguodala at Shaun Livingston.

Sakaling magdesisyon si Durant na layasan na ang Warriors, maaari siyang makakuha ng four-year max contract na nasa $158 milyon.

Pumirma noong summer ng $51 million deal si Durant kabilang dito ang opt-out clause para sa 2018-19 season.

Pero nauna nang sinabi noon ni Warriors general manager Bob Myers na ibibigay nila ang lahat ng gusto ni Durant para lang manatili ito sa koponan.

Si Durant ang tumulong sa Golden State para makuha nito ang ikatlong NBA Finals championship kung saan siya ang tinanghal na Finals MVP. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?