25

Dec 5, 2020 @ 14:20
By

Durant kontra Warriors kinasasabikan

Isa sa inaabangang laban sa 2020-2021 NBA season ay ang paghaharap ng Golden State Warriors at Brooklyn Nets.

Ito’y dahil paniguradong may dalawang init ang Warriors kapag nakaharap nila ang Nets na pangungunahan ng kanilang dating pambato na si Kevin Durant.

Kasama si Durant sa huling dalawang kampeonato ng GSW.

Pero iniwan na ni Durant ang Warriors at tumawid sa bakuran ng Brooklyn upang makipagsanib puwersa kay Kyrie Irving.

Sa opening ng NBA sa Disyembre 22 ay magtatapat agad ang Golden State at Brooklyn kaya asahang magiging mainitan agad ang bakbakan.

Masisilayan din ng GSW fans ang muling paglalaro ni three-time champion Stephen Curry.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?