104
Durant kailangan ng GSW – mga Pinoy netizen
By

Durant kailangan ng GSW – mga Pinoy netizen

Matapos ang naging unang salpukan sa pagitan ng Golden State Warriors at Toronto Raptors, tingin ng karamihan sa mga Pinoy fan ay kakailanganin ng defending champs ang kanilang isa pang star player para maipanalo ang serye.

Sa first game, hindi man masyadong gumawa si Kawhi Leonard, 23 points, walong rebounds at limang assists ang ginawa, nagpakitang-gilas naman ang kapwa forward nitong si Pascal Siakam, lumagare ng team-high 32 points at parehong bilang ng rebounds at assists kay Kawhi.

Ito’y sa kabila ng magandang performance ni Stephen Curry na gumawa ng 34 points, Klay Thompson na may 21, at si Draymond Green na kumubra ng triple-double na 10 points, 10 rebounds at 10 assists.

Tingin tuloy ng ilan, kailangan pa nila ng isang star player sa katauhan ni Kevin Durant para mailusot ang panibagong hamon sa kanilang dinastiya.

“I guess the warriors do need KD!” ayon kay Jayson Pajarillaga Gonzales.

“Miss you kevin Durant,” sey naman ni Joseph Narvasa.

“As Draymond said before.. we’re NBA champion before (kd) arrived.. so lets see,” ani naman Calvin Liong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?